2:00 am na. Pansin niyo ba na halos lahat ng posts ko ay tuwing madaling araw ko naiaadd??? Hehehe wala lang nabanggit ko lang naman wala naman siyang kakoneksiyon sa anumang isusulat ko ngayon.
By now obvious na siguro... natutuwa ako kay Bob Ong (",) Yung 2 books niya ay nabasa ko na... iyong A B N K K B S N P LA AKO at ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS actually dun ko nga kinuha ang title ng blog na ito. Pero between his two books mas gusto ko iyong A B N K K B S N P LA AKO there are stories kasi similar to mine so I can relate to his situation and napansin ko na lang na nacucurious na ako kay Bob Ong to the point na i visited bobongpinoy.com pa (pero bakit ganun iyong site???)
Kakatuwa... kahit 2 oras pa lang ako nakakatulog ay maaga uli akong pumasok sa aking Speech. Effective kasi ang mga bago kong discoveries. Una, dapat umabsent ka sa subject na yun ng 5x enough na yun para madropped ka ngayon papasok ka para makiusap na bigyan ka ng chance at mangako na hindi ka na aabsent uli (dapat sigurado kang "forgiving" ang prof mo importante iyan) 2nd: matulog sa sala at magpapapak sa surot (tiyak na kahit anong sarap ng tulog mo ay magigising ka sa dami ng kagat sau) and lastly... sa sala ka uli matulog kung saan dinig na dinig ang pagputak putak ng kapitbahay m0 (kung di ka pa naman magising sa ingay nila e certified na malalim ang tulog mo)
So pagpasok ko, nagulantang talaga ako dahil wala pa sa sampu kaming nanduon at medyo kinabahan din ako kasi andun na si ma'am speech pasimple akong naupo sa assigned seat ko (alphabetical kasi ang seat plan) at lumabas uli dahil kinakabahan ako, tila bagang sinisilaban ang wetpu ko na any moment e sasabihin ni ma'am na "dropped ka na" pagbalik ko ay ok naman, binigay pa ni ma'am ang grade ko sa speech ko last time 98. WOW! Sumablay lang ng unti sa memorization at gestures. Paano ba naman... pagdating sa harap e nangatog lahat ng tuhod ko kaya imbes na mag gestures e pinangsteady ko na lang sa tuhod ko ang aking mga kamay. Hhhaaayyy pero nabilib naman si Ma'am speech palagay ko iyon ang dahilan kung bakit hindi niya pa ako binubura sa list nya. Hhhhaayyy, I love Ma'am Speech... very forgiving
Pero bigla ba naman nagparecitation si Ma'am e hindi ako gumawa ng assignment kaya hayun! Bago pa ako mapahiya ay lumabas ako at uminom sa drinking fountain habang tatawa-tawa sa sarili ko. Kababae ko pa namang tao mataktika ako sa pag-iwas sa recitation! Pero swerte ako nde ako natawag sa recitation at biglang pinatawag sa meeting si Ma'am kaya maaga uwian pero ang instructions ni Ma'am ay magpunta sa library at magmemorize ng I HAVE A DREAM ni Martin Luther King pero kami ni Jusha diretso uwi... hinihila kasi ako pabalik ng aking kama
at nakatulog ako pag-uwi..........
........................................................
........................................................
........................................................
Saktong ala-una gising ako at pumasok sa lec... si Sir Chinito uli in fairness nakalahati ko na ang binabasa kong book ni Bob Ong nde pa dumating si Sir at kung kelan kating-kati na kami umuwi saka siya dumating... MI ang tinuro ni Sir at ang mga binubulong bulong kong sagot ay tama at napakaswerte kong nung natawag ako para sa recitation ay saktong nag CR ako. Wahehhehe. At pinauwi din kami ng 3 pm dahil may meeting din si Sir....
pag-uwi ako ay nakatulog uli...........
...............................................................
...............................................................
..............................................................
PANALO ANG GINEBRA!!!!!
iyan ang magandang balitang nagisingan ko plus ang iingay ng kapitbahay kong ikinasal... Syempre naghanda na ako para sa aking meeting sa TANTRA wahehehe ang kaso.... naaddict na naman ako sa FREESTYLE at in fairness gumagaling na ako ALL AROUND PLAYER!!!!
............................................
............................................
...........................................
Not all those who wander are lost.... iyan ang pinakathought ng speech na gagawin ko for our FINALS |